Pagsali sa Digital Civility Challenge
Itong mga simpleng estratehiya ay makakatulong na bumuo ng mas mabuting online na danas — para sa iyo at sa kapwa.
Isabuhay ang ginintuang tuntunin
Kikilos ako na may pakikiisang-damdamin sa iba, malasakit at kabaitan sa lahat ng ugnayan at ituring ang lahat sa koneksiyong online nang may dangal at respeto.
Irespeto ang mga pagkakaiba
Pahahalagahan ko ang kaibahan sa kultura at igagalang ang iba-ibang pananaw. Kapag di ako umayon, makikipag-usap ako nang maayos at iiwasan ang masamang pagbansag at atakeng personal.
Mag-isip bago sumagot
Titigil at mag-iisip muna ako bago sagutin ang mga isyung hindi sinasang-ayunan. Hindi ako magpo-post o magpapadala ng anumang makakasakit o panganib sa kaligtasan ko o ng kapwa.
Manindigan para sa sarili at kapwa
Sasabihin ko sa iba kung hindi ligtas ang pakiramdam ko, suportahan ang mga target ng pag-abuso o kalupitang online at ireport ang mga gawaing banta sa kaligtasan ninuman.
Pakikiisang-damdamin at tatag
Ang pakikiisang-damdamin ay ang kakayahang mailagay ang sarili sa kinalalagyan ng iba. Isang paraan ito para bumuo ng mga positibong danas at maging kahanga-hanga online.
Bakit kailangan ko ang pakikiisang-damdamin?
Dahil sa kakayahang mailagay ang sarili sa kinalalagyan ng iba ay maiisip mo kung paano nila mararamdaman ang sitwasyon at mauunawaan mo kung bakit nagpost ang isang tao ng bagay na hindi mo sinasang-ayunan.
Paano ako makakahanap ng iisang pinagmumulan?
Sa pagtatanong puwedeng makakita ng iisang pinagmumulan. Depende kung ano ang isyu, puwedeng masasang-ayunan mo ang isang bahagi ng post, na magagamit mo para masimulan ang isang usapan.
Dapat ba akong sumagot?
Una, huwag sumagot kapag galit ka. Bigyan ng oras ang sarili na magpalamig muna para hindi makapag-post ng pagsisisihan pagkaraan. Subuking sumagot sa idea, hindi sa tao. Walang masisiyahan sa mga atakeng personal. Maipagtatanggol mo ang sarili mo, ang opinyon at mga kaibigan mo – pero gawin sa magalang na paraan.
Paano ko madaragdagan ang aking tatag?
Makakatulong ang pagiging matatag (resilient) para makabawi ka kapag may hindi magandang nangyari online. Magsimula sa pagkilala sa nararamdaman mo - tama lamang na malungkot, magalit o mabigo. Humingi ng suporta kung kailangan mo. Makakatulong na lumayo muna sa iskrin - maglakad, lumabas kasama ng kaibigan o makipag-usap sa iyong pamilya.
Mabilis na Quiz!
Ano ang alam mo tungkol sa pagiging pinakamabuti mong sarili online?