Guhit ng tao na may hawak na bingwit, nangunguha ng imahen sa isang mobile device

Protektahan ang iyong datos at identidad

Huwag hayaang manakaw ang mahahalagang impormasyon gaya ng iyong mga password, student ID number o bank card PINs. Gamit ang impormasyong ito, puwede silang:

  • Bumili ng mga bagay gamit ang bank account mo
  • Isapubliko ang mga retrato at mensahe mo
  • Magmensahe sa mga kaibigan mo, titser o pamilya na parang ikaw ang nagpadala
  • Gamitin ang social media account mo

Ano ang magandang password?

Unang panlaban ang password mo. Siguraduhing hindi ito mahuhulaan.

Guhit ng tao na may hawak na banner na may mga simbolo

Malakas

  • Hindi bababa sa 8 character
  • Halo ang malaki at maliit na letra
  • Mga numero at simbolo
  • Ibang password para sa bawat account
Guhit ng tao na may hawak na nahating banner na may mga simbolo

Mahina

  • Nauulit na numero (5555)
  • Sunuran ng numero (1234)
  • Pangalan, kapanganakan, alagang hayop, pangalan ng popular na tao
Guhit ng taong katabi ng isang simbolong check

Magandang gawain

  • Huwag sabihin sa iba ang mga password
  • Palitan ang password mo kada buwan
  • Gumamit ng password manager
  • Piliin ang identipikasyong dual factor – hal., ipapadala sa mobile mo ang isang log-in code

Paano matukoy ang phishing

Puwedeng tangkaing nakawin ng mga malicious software at phishing scam ang impormasyon mo o makompromiso ang device mo. Maging alerto sa mga email, internet pop-up, robocall o text na may mga sumusunod:

Di-inaasahang maganda o masamang balita

Sasabihin ng scammer na nanalo ka ng isang milyong dolyar; na-overchage ka at may malaking refund; may babayaran kang multa; o kailangan ng “tech support” ang ilang detalye.

Guhit ng computer screen at sobreng may lamang pera
Guhit ng tao na nakaupo sa harap ng computer

Itanong ito sa sarili

  • “Agaran” ba ang mensaheng ito?
  • May pagbabanta ba?
  • Mali ba ang ispeling o grammar?
  • Tatanungin ba talaga ito ng aking bangko/eskuwelahan/gobyerno?
Guhit ng magnifying glass

Tingnang mabuti

Guhit ng tao na nagtatapon ng sobre sa basurahan

Ang dapat gawin…

  • Kapag nakatanggap ka ng email na may nakakadudang attachment, burahin agad at huwag iklik ang attachment
  • Abisuhan at ipadala ang mga scam email sa ginagayang kompanya
  • Bigyang babala ang pamilya at mga kaibigan

Mabilis na Quiz!

Gaano ka kagaling na protektahan ang sarili online?

Back to top