Microsoft® Office Language Interface Pack 2013 – Filipino
Nagbibigay ng nakasalin na User Interface para sa marami sa mga application ng Microsoft Office 2013 ang Microsoft Office Language Interface Pack 2013 - Filipino.
Mahalaga! Kapag pumili ng wika sa ibaba, dynamic na mababago ang content ng buong page sa wikang iyon.
Bersyon:
2013
Petsa Kung Kailan Na-publish:
3/15/2013
Pangalan ng File:
languageinterfacepack-x64-fil-ph.exe
languageinterfacepack-x86-fil-ph.exe
Laki ng File:
13.9 MB
13.9 MB
- Ang Microsoft Office Language Interface Pack 2013 - Filipino ay nagbibigay ng nakasalin na User Interface para sa mga sumusunod na application ng Microsoft Office 2013:
- Microsoft Excel® 2013
- Microsoft Lync® 2013
- Microsoft OneNote® 2013
- Microsoft Outlook® 2013
- Microsoft PowerPoint® 2013
- Microsoft Word 2013®
Sa pamamagitan ng paggamit sa Microsoft Office Language Interface Pack 2013 - Filipino, makakapagtrabaho ang mga user sa mga sinusuportahang orihinal na bersyon ng wika ng pag-install ng mga Office na application at makakatingin sila ng mga command at opsyon para sa mga application na iyon sa Filipino.
Sa pag-install ng Microsoft Office Language Interface Pack 2013, kinokopya sa patutunguhang hard disk ang mga file na nagbibigay-daan sa mga user na palitan ang wika ng user interface. Pagkatapos ng pag-install, magiging available mula sa loob ng mga application ng Office 2013 at ng application na Mga Setting ng Wika ng Microsoft Office 2013 ang mga kakayahan at kinauukulang opsyon ng Microsoft Office Language Interface Pack 2013 - Filipino.
Mga Sinusuportahang Operating System
Windows 7, Windows 8
- Microsoft Windows 7 - 32 o 64 bit OS
Microsoft Windows 8 - 32 o 64 bit OS
Tandaan: Pakitiyak na i-install ang mga pinakabagong Service Pack para sa iyong Operating System upang tiyakin ang pinakamainam na suporta para sa iyong wika.
Software Anumang bersyon ng Office 2013 suite o standalone na naglalaman ng Microsoft Excel, Microsoft OneNote, Microsoft Outlook, Microsoft PowerPoint o Microsoft Word o susuporta sa Microsoft Office Language Interface Pack 2013 - Filipino. Tandaan: Pakitiyak na i-install ang mga pinakabagong Service Pack ng Microsoft Office para sa iyong mga produkto ng Microsoft Office. Titiyakin nito ang isang mas magandang karanasan ng user.
Upang magamit ang Lync sa wika ng iyong LIP, pakitiyak na ii-install mo ang pinakabagong update sa Lync na available para sa pangunahing wika.
Computer at Processor 1 GHz processor na may suporta sa SSE2 o mas bago; 2 GB RAM o mas mataas
Espasyo sa disk Bilang karagdagan sa espayo ng hard disk na ginagamit ng mga naka-install na application ng Office 2013,
- 3 GB na available na espasyo sa hard disk.
- Ang lahat ng iba pang mga kinakailangan sa system ay pareho sa mga application ng Office 2013 na ginagamit mo kasama ng Microsoft Office Language Interface Pack 2013 - Filipino.
Windows Language Interface Pack Inirerekomendang i-install ang mga pinakabagong Language Interface Pack ng Windows 7 o Windows 8 para sa pinakamainam na suporta sa wika para sa iyong Operating System at mga software application.
Mga setting ng Resolution at DPI ng Monitor Maraming font ang ginawa para pinakamainam na mabasa sa 1366 x 768 na resolution. Kung nahihirapan kang basahin ang font ng iyong wika, paki-update sa resolution na ito ang mga setting ng iyong display o mas mataas kung kinakailangan. Pakitandaan: Inirerekomenda naming gamitin mo sa default na DPI setting ng Windows - 96 DPI - ang mga application ng Office 2013. Ang paggamit ng setting na 120 DPI ay maaaring magdulot ng hindi magandang karanasan ng user sa Office sa ilang application ng Office sa pamamagitan ng pagpapalaki ng mga dialog ng Office.
Mga Opsyon sa Rehiyon at Wika Bilang karagdagan, inirerekomenda na lahat ng Mga Opsyon sa Rehiyon at Wika sa Control Panel ay itinatakda sa wika ng Microsoft Office Language Interface Pack 2013 - Filipino.
- Para i-install ang download na ito:
- I-download ang LanguageInterfacePack.exe file sa pamamagitan ng pag-click sa button na I-download (sa itaas) at pag-save ng file sa iyong hard disk.
- I-double-click ang LanguageInterfacePack.exe program file sa iyong hard disk para simulan ang Setup program.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen para kumpletuhin ang pag-install.
- Sa sandaling ma-install, matatagpuan sa C:\Program Files\Common Files\microsoft shared\OFFICE15\1124\LIPread.htm ang readme na file para sa iyong Microsoft Office 2013 Language Interface Pack.
- Ang pag-upgrade sa Office 2013 na may Office 2013 Language Interface Pack mula sa Office 2010 na may Office 2010 Language Interface Pack o isang mas lumang edition ay hindi sinusuportahan. Kung gusto mong i-upgrade ang iyong base na pag-install ng Office 2010 patungo sa Office 2013 na may Office 2013 Language Interface Pack, dapat mong:
- I-uninstall ang Office 2010 Language Interface Pack.
- Patakbuhin ang setup ng Office 2013 at piliin ang opsyon ng pag-upgrade.
- Kapag kumpleto na ang setup ng Office 2013, i-install at i-configure ang Office 2013 Language Interface Pack.
Kung nagkakaproblema ka sa pagbasa sa buong Code ng Pag-install na nasa dialog na "Wizard ng Pag-activate sa Microsoft Office," o hindi lumilitaw nang wasto ang buong code ng pag-install kapag ginagamit ang iyong Microsoft Office Language Interface Pack 2013, mangyaring kanselahin ang wizard at lumipat sa iyong produkto sa wikang Ingles para ma-activate ang iyong Microsoft Office na produkto.
Mga tagubilin para sa paggamit:
Para ilipat sa wika ng Microsoft Office Language Interface Pack 2013 – Filipino ang iyong User Interface, sundin ang mga hakbang na ito:
- Ilunsad ang Mga Kagustuhan sa Wika ng Microsoft Office 2013 mula sa menu ng Simula\Lahat ng Program\Microsoft Office\Mga Tool ng Microsoft Office.
- Sa ilalim ng Piliin ang Mga Wika ng Display at Tulong, sa ilalim ng Wika ng Display, piliin ang kinakailangang wika at mag-click sa button na Itakda bilang Default.
- Sa ilalim ng Piliin ang Mga Wika ng Pag-edit, piliin ang wikang kinakailangan at mag-click sa Itakda bilang Default button.
- I-click ang OK button.
Magkakabisa ang mga setting ng wika na pinili mo sa susunod na pagkakataong simulan mo ang iyong mga Office na application.
Tandaan: Hindi mapapalitan sa wika ng Microsoft Office Language Interface Pack 2013 – Filipino ang Tulong. Palaging mananatili ang Tulong sa wika ng iyong orihinal na pag-install.
Laging itakda sa loob ng dropdown na listahan sa base na wika ang iyong tulong sa display.
Para tanggalin ang download na ito:
- Umalis sa lahat ng program ng Microsoft Office.
- I-double-click ang icon ng Mga Program at Tampok sa Control Panel ng Windows.
- Sa opsyon ng I-uninstall o Baguhin ang isang Program, i-click ang Microsoft Office Language Interface Pack 2013 – Filipino sa box ng Mga kasalukuyang naka-install na program, pagkatapos ay piliin ang opsyong I-uninstall.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.